Phone Transcript

An Ashlloyd story

Ok lang ba na tumawag ako?

Oo naman, ano ka ba?!

I mean, may be you’re busy preparing for your concert and all. . . .

It’s ok. Katatapos lang naming mag-rehearsals. I have half an hour of down time bago mag-prepare. At naman, 3x BOK ang tumatawag sa akin! Sino ba ako para hindian siya?

Eh syempre, a BOK like me ay hindi basta-basta tumatawag kahit kani-kanino lang. Sino pa ba ang tatawagan ko kundi ang aking BOQ?

Hahahaha! Ay, si Mommy napatingin. Ikaw kasi, napalakas tuloy tawa ko. Anong balita sayo dyan?

Eto, busy na naman sa teleserye. Kakapal na naman ang eyebags ko nito. Ikaw, kumusta na ang concerts mo dyan?

I’m so happy dahil nakikita ko ang mga fans na natutuwa sa mga performances ko.

I could definitely relate to that. Alam mo ba na isa sa mga pangarap ko ay makapag-concert tour with you?

Naku, kung guest kita, malamang SRO lahat ng concerts ko. At baka back-up vocals na lang ako sayo niyan. Sumosonger ka na eh!

Huwag ka masyadong ma-insecure sa boses ko. But seriously, I would love to be one of your guests. I certainly enjoyed our Araneta duet. At obvious naman na you enjoyed it too. Don’t deny that!

OO na, sige na, nag-enjoy din ako. Hahaha

Performing with you is such an experience. But do you know what I would love more?

What?

Mas gusto ko na nasa audience ako just watching you. Kahit paulit-ulit kitang papanoorin, hindi ako magsasawa. I am a fan and will always be a fan.

Ay suuus!

Hindi nga. Kahit na siguro uugod-ugod ka na at nakatungkod habang nagpe-perform, panonoorin pa rin kita.

Hahahahaha

That’s how big a fan I am of yours. I’ve been in the industry for 13 years and I’ve seen bad performers, mediocre performers, good performers and then there’s you. Sayo ko lang naramdaman ang iba’t-ibang level ng emotions. One time , I’ve had goosebumps watching you. The other time I felt like going on the stage and dance with you. But most of the time, I just have this silly look on my face, eyes wide, mouth open, jaw dropping.  Haha!  I’ve always said na nag-iisa ka and I’m standing by those words now and forever. Parang kanta lang yun ah…………..  Hello?! Are you still there?

Yes I’m still here. Sorry ha, napatahimik lang ako doon sa sinabi mo. You never really miss a chance to lift me up noh? Alam mo naman lately ang mga issues sa akin. Nalulungkot talaga ako kapag naiisip ko yun. Minsan naiinis din. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako.. . . .  Ang hirap talagang magtiwala, marami ang nagkukunwari. Masakit lang talaga. But here you are, my knight in shining armor, calling to cheer me up. Uy sorry ha, na-dramahan tuloy kita.

Ano ka ba? Kaya nga tumawag ako eh para mapalabas mo kung anong mga hinanakit mo diyan. Ilabas mo lang yan kasi sige ka, pag tinago mo yan naku baka pagbalik mo dito you’ll be twirling your hair and calling “Basilio! Crispin! Mga anak, nasan na kayo?!”

Hahahaha. Ikaw talaga. Haaay. Ayan, napagaan mo naman ang pakiramdam ko. Ang galing mo talaga! Hindi lang kita idol sa pagmamahal, pati sa pagpapatawa, idol na rin kita.

Talaga ha, idol mo ako? Pero yung about sa mga nagkukunwari, yeah in the course of our lifetime we would get to meet several people like that. But that should not cloud our judgment of people in general. Kung may mga iilan na nagkukunwari lang sa pakikitungo sayo, you should remember that there are more who genuinely love you. Mas marami ang nagmamahal sayo Sarah so I hope that this not-so-good experience would not force you to build higher walls and hinder you from appreciating the people who truly love you. Just be happy Sarah. Don’t let the world’s ugliness erode the joy you have inside.

Wow naman. Hindi talaga ako nagkamali nung sinabi ko na ang isang John Lloyd Cruz ay full of wisdom.

Full of wisdom tooth.

Hahaha. Ayan ka na naman.

I was born before you so sana man lang yung mga natutunan ko sa buhay ay mai-share ko rin sayo.

Oo  nga, KUYA John Lloyd! Uy, mahaba-haba na ito. Baka mahal na babayaran mo.

Ah, hindi ba nasabi sayo ng operator na collect ito?

Hahahaha! Ay, napalakas na naman ang tawa ko, napatingin na naman si Mommy. Thank you Lloydie ha for calling. I appreciate this very much.

No Sarah, thank YOU for taking my call. On the surface this may seem like me cheering you up before your concert, but Sarah YOU were the one who cheered me up. Na-miss kong marinig yang mga tawa mong ganyan. If you could just see the silly grin I have on right now. This may sound cliché and all but please remember that I’m always just around the corner whenever you need someone to talk to, if you need a shoulder to cry on, ka-text mate, ka-YM. Kung kailangan mo ng braso na kukurutin kapag nanggigigil ka, nandito lang ako.

Eto naman, seryoso na eh, hinabol mo pa yung kurot-kurot. Pero salamat talaga ha for your effort to call me. You did not have to do this, but still ginawa mo pa rin. You always try to reach out to me, especially sa mga times na medyo I am drifting away. Hinihila mo ako pabalik. Sana hindi ka mapagod Lloydie. Natatakot ako na baka isang umaga paggising ko, wala ka na dahil napagod ka. . . . . .  Ay, ayan na, sumesenyas ni si Mommy. Magre-ready na daw kami.

O sige. I don’t think I need to wish you luck for your concert tonight. I know you’ll mesmerize the audience the way you’ve mesmerized me.

Naks naman!

Just remember Sarah, if there is one thing I wouldn’t do as long as I’m alive, yun ay ang mapagod para sayo.

About AnnAugust

I love Sarah Geronimo
This entry was posted in Ashlloyd and tagged , , , . Bookmark the permalink.

7 Responses to Phone Transcript

  1. achidave says:

    ahaha.. kinikilig ako ateh… HELLLLLLLLPPPPPP!!

  2. tin says:

    hello, i love sarah g so much! true bang phonescript ito nila?

  3. athena_liz says:

    maui, sakit sa dibdib nito talaga.. hehe!! keep on writing girl!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s